3,600 na mga pulis na magiging bahagi ng special electoral board sa BARMM, idineploy na

Naka-deploy na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nasa 3,664 na mga pulis na magiging bahagi ng special electoral board para sa nalalapit na midterm elections.

Sa impormasyon mula kay PRO-BAR Spokesperson Lt. Col. Jopy Ventura, ang mga pulis ay kabilang sa 3,700 personnel mula sa iba’t ibang rehiyon na itatalaga sa BARMM upang tumulong sa pagsasagawa ng maayos, ligtas at tapat na halalan.

Inaasahang darating sa mga susunod na araw ang nalalabi pang bilang ng mga pulis upang kompletuhin ang deployment bago ang mismong araw ng botohan sa Lunes, Mayo 12.

Ang mga miyembro ng SEB ay magsisilbing electoral board members sa mga lugar na itinuturing na election hotspots o kung saan walang available na civilian teachers na maaaring magsilbi sa halalan.

Facebook Comments