37 Militia ng Bayan, Kusang Sumuko sa Kasundaluhan sa Lalawigan ng Ifugao!

43

Kusang sumuko kahapon sa kamay ng kasundaluhan ang anim na militia ng bayan at labing isang local supporters sa Poblacion, Tinoc, Ifugao.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, kusang sumuko ang labing pitong mga kasapi ng Militia ng Bayan dahil sa patuloy na pakikipag-ugnayan at pagpapaliwanag ng mga kasundaluhan sa mga programang matatanggap ng mga ito kung sila ay magbabalik loob sa gobyerno.

Dagdag pa rito, kamakailan lamang ay mayroon ring dalawampung miyembro ng mga Militia ng Bayan ang kusang sumuko sa militar sa bayan ng Asipulo na ikinatuwa naman ni Major General Perfecto Rimando Jr. bilang Commander ng 5th Infantry Division.

Sa loob lamang ng isang linggo ay mayroon ng tatlumpu’t pitong Militia ng Bayan ang kusang sumuko sa militar kung saan mabibigyan ang mga ito ng Immediate Assistance sa ilalim ng Enhanced-Comprehensive Local Integration o E-CLIP Program ng pamahalaan.

Facebook Comments