CAUAYAN CITY- Inilikas ang higit isang daang indibidwal mula sa tatlong barangay sa bayan ng Divilacan dahil sa bagyong Marce.
Sa panayam ng IFM News Team kay Chief of Police PMaj. Teresito Calimpusan Jr., nasa tatlompu’t pitong pamilya ang inilakas sa evacuation center na binubuo ng isang daan at labing siyam na indibidwal.
Aniya, ang mga inilakas na residente ay nagmula sa Brgy. Dimasalansan, Dilakit at Dimapila kung saan nakatira ang mga ito malapit sa dagat o shoreline.
Katuwang naman ng PNP Divilacan sa paglikas sa mga residente ang BFP, MSWDO, Philippine Coast Goard, MDRRMC, at Philippine Army.
Samantala, patuloy naman ang ginagawang monitoring ng kanilang hanay sa lugar upang masiguro na ligtas at nasa maayos na kalagayan ang mamamayan ng Divilacan.