Iginiit ni Solicitor General Jose Calida ang pagbasura sa 37 petisyon kontra sa Anti-Terrorism Act (ATA).
Sa kanyang pagsalang sa oral arguments sa Korte Suprema, idiniin ni Calida na depektibo at kulang sa form at substance ang mga petisyon kontra sa Anti- Terrorism Law.
Batay aniya sa 2019 Global Terrorism Index, ang Pilipinas ay pang-siyam sa mga bansa sa buong mundo na nakararanas ng matinding epekto ng terrorismo sa usapin ng ekonomiya , social at seguridad.
Ang Anti-Terrorism Act aniya ay bunga ng mahabang pag-aaral upang labanan ang terrorismo at upang maiwasan na maging pugad ang bansa ng mga terrorista.
Ito aniya ang tugon ng gobyerno at ang pagpapatupad ng police powers upang maprotekahan ang mamamayan.
Kumpiyansa rin si Calida na protektado ng Anti-Terrorism Act ang publiko sa pagmamalabis sa kapangyarihan ng mga magpapatupad nito , kung saan may karampatang kaparusahan sa mga magmamalabis sa kapangyarihan
Pinoprotektahan din aniya ng ATA ang publiko, maging sa freedom of speech at ang kalayaan ng pamamahayag.