Nakauwi na kagabi sa Pilipinas ang 370 Filipino Crew mula sa tatlong cruise ship na nakadaong sa Italy.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, bahagi ito ng hakbang ng gobyerno na matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinong nasa abroad mula sa banta ng COVID-19.
Kabilang sa mga ni-repatriate ang 248 na Pinoy mula sa MV Costa Luminosa sa Milan at 122 mula sa MV Grandiosa at MV Opera na nakadaong sa Rome.
Isinakay sila sa chartered flight sa tulong ng Philippine Embassy sa Rome, Philippine Consulate General sa Milan, at DFA-Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs.
Nakatuwang din ng DFA ang DOH, DOLE, OWWA, DOTr, DILG at mga Local Manning Agencies ng mga OFW.
Isinailalim muna sila sa medical check-up bago isinakay sa eroplano. Sasailalim din ang mga Pinoy Crew sa mandatory 14-day facility-based quarantine sa pangunguna ng Bureau of Quarantine.