“Market on Wheels”, inilunsad na rin ng Valenzuela City Govenment sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine

58

Nagpatupad na rin ng ‘Market on Wheels’ ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, layon na rin ng Pamahalaang Lungsod na ilapit ang basic goods sa mga residente na malayo sa mga palengke sa panahon na umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon.


Simula kaninang alas-7 ng umaga, nagdeploy na ng mga e-trikes at partner vendors ang City Government sa Barangay Mapulang Lupa at Rincon hanggang alas-10 ng umaga.

Ang programa ng LGU ay inilunsad sa pakikipagtulungan ng Valdeco Greenleaf Market.

Una na ring pinulong ng alkalde ang mga market operators, groceries, supermarket representatives at hiningi ang kanilang kooperasyon at hiniling na i-regulate ang bilang ng mga kostumer na pumapasok at ipatupad ang social distancing sa lahat ng oras.

Facebook Comments