Pinangunahan ng limang (5) medical personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagkuha ng sample sa mga tauhan ng Air Force.
Layon nito na matukoy sa lalong madaling panahon kung positibo sa COVID-19 ang mga frontliner na tauhan ng Philippine Air Force na pinaniniwalaang positibo sa virus.
Binigyan din ang Air Force personnel ng sampung slots kada araw para sa COVID-19 test sa V. Luna Medical Center Polymerase Chain Reaction Reverse Transcription (RT-PCR) Molecular Laboratory.
Sumailalim din sa orientation ang anim (6) na Philippine Air Force hinggil sa bagong barcoding system na pinatutupad ng Philippine Red Cross (PRC).
Facebook Comments