Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 373 kaso ng COVID-19 kahapon, April 2 dahilan para umakyat sa 3,678,968 ang kabuuang kaso ng virus sa bansa.
Nadagdagan naman ng 1,549 ang bilang ng gumaling sa sakit dahilan para umakyat sa 3,582,529 ang total COVID-19 recoveries sa bansa.
Dahil dito, nasa 37,115 na lamang ang aktibong kaso ng virus sa bansa.
Samantala, nasa 59, 324 na ang kabuuang bilang namatay sa sakit matapos makapagtala ng 26 new COVID-19 deaths kahapon.
Nanguna naman ang National Capital Region (NCR) sa pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo na aabot sa 1,623.
Sinundan naman ito ng Region 4A na 627 at Region 6 na mayroong 464 COVID-19 cases.
Facebook Comments