Panayam sa mga kandidatong nais pumalit kay outgoing Associate Justice Perlas-Bernabe, kasado na sa susunod na Martes

82

Kasado na sa April 5 at 6 ang pakikipagpanayam ng Judicial and Bar Council (JBC) sa pitong kandidatong pagpipilian sa iiwanang pwesto ni Associate Justice Estela Perlas-Bernabe.

Ito ay kaugnay sa nalalapit na retirement ni Bernabe sa May 14.

Sa anunsyo ng JBC, nakatakdang interbyuhin sina Maria Elisa Diy, Apolinario Bruselas at Ramon Cruz sa April 5.


Habang naktakda namang interbyuhin ang iba pang hopefuls na sina Fernanda Lampas Peralta, Geraldine Faith Econg, Ronald Roberto Martin at Maria Filomena Singh sa April 6.

Nagpaalala naman ang JBC sa publiko na tatanggap sila ng mga reklamo laban sa kahit sinong kandidato hanggang April 11 sa pamamagitan ng pagsumite ng liham sa kanilang tanggapan sa Manila o di kaya sa kanilang e-mail na jbc@judiciary.gov.ph.

Facebook Comments