Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sisimulan na nitong ipamahagi ang fuel subsidy sa Public Utility Vehicles (PUV) drivers at operators simula sa Martes, March 15, 2022.
Ito ang kinumpirma ni LTFRB Executive Director Tina Cassion.
Ayon kay Cassion, aabot sa 377,000 na PUV drivers at operators ang tatanggap ng P6,500 fuel subsidies.
Nagpupulong ngayong araw ang LTFRB at ang mga opisyal ng Landbank upang maitakda ang guideline ng gagawing distribusyon.
Ang pagpapalabas ng P500 million na fuel subsidy sa transport sector ay bahagi ng first tranche ng fuel subsidy na ipalalabas ng Department of Budget and Management (DBM) at National Economic and Development Authority (NEDA) para ayudahan ang nasa transport at agriculture sector sa epekto ng pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo sa gitna ng kaguluhan sa Ukraine.