UN Security Council, nagpatawag ng pulong kaugnay sa umano’y biological weapons sa Ukraine

Nagpatawag ng emergency meeting ngayong araw ang United Nations Security Council hinggil sa umano’y paggawa ng biological weapons sa Ukraine kasunod ng kahilingan ng Moscow.

Ayon sa Russia, ang United States ng nagpopondo sa pagbuo ng biological weapons sa Ukraine.

Pero iginiit ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky, walang katotohanan ang alegasyon ng Russia at walang binubuong chemical o anumang armas sa kanilang bansa.


Sinabi naman ng Estados Unidos na hindi totoo ang paratang ng Russia at sa katunayan ay baka sila pa ang gumamit nito na bahagi ng kanilang pag-atake sa Ukraine.

Facebook Comments