Kasabay nito ang pagpapagalaw sa mga assault amphibious vehicle mula sa L-class ships na nasa laot patungo sa pampang ng dagat.
Bahagi rin ng aktibidad ang kakayahan ng dalawang pwersa na makamit ang littoral objective na bahagi ng complex at combined arms operations sa pagitan ng Philippine at US ground, naval, at aviation assets.
Ayon kay Captain Kevin Smith, ang Strategic Communications Officer ng 3rd Marine Littoral Regiment, sa pamamagitan nito ay lalo pang mapapatatag ng pagsasanay ang ugnayan sa Filipino counterpart sa Northern Luzon at sa iba pang bahagi ng bansa.
Sinundan naman ito ng heliborne operations sa pamamagitan ng vertical insertion ng tropa mula sa Marine Battalion Landing Team – 10 na nakasakay sa Black Hawk at ng U.S. Marines mula sa kanilang rotary-winged aircraft CH-53.
Nagtapos ang amphibious landing sa pagdating ng Landing Craft Utility vessel ng Philippine Navy na nagdala ng support equipment at mga personnel.