Creamline Cool Smashers, nasungkit ang unang panalo kontra Choco Mucho Flying Titans sa best-of-3 semifinals ng PVL Open Conference

80

Nasungkit ng Creamline Cool Smashers ang kanilang unang panalo kontra Choco Mucho Flying Titans sa nagpapatuloy na best-of-3 semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

Pinatumba ng Cool Smashers ang Choco Mucho sa iskor na 25-18, 17-25, 25-19, 25-11.

Nanguna ang Opposite Hitter ng Cool Smashers na si Tots Carlos na nakapagtala ng 26 points, 21 attacks, 4 service aces at isang block.


Nakakuha din ang Outside Hitter na si Alyssa Valdez ng 13 attacks, 17 points, 2 blocks, 2 service aces at 13 digs.

Sa ngayon ay hindi pa nakakatikim ng pagkatalo ang Creamline Cool Smashers sa torneo.

Magtutuos muli ang naturang dalawang koponan bukas, April 3, 2022.



Facebook Comments