38 Arestado 6 Patay sa operasyon ng North Cot PNP

38 katao ang arestado sa ikinasang operasyon against all forms of criminalities ng mga elemento ng ibat ibang Municipal Police Stations ng North Cotabato kahapon. Kabilang sa mga naaresto ang mga nasasangkot sa ipinagbabawal na gamot, murder, homecide, rape, physical injuries, illegal gambling , robbery at nakumpiskahan ng mga baril na walang kaukulang dokumento. Sa bayan ng PIGCAWAYAN inaresto ng mga kapulisan si Padoy Sedantes, na residente ng Brgy. North Manuangan na isinasangkot sa illegal gambling. Sa Alamada, arestado rin sa illegal gambling sina Tonia Boca, Dacie Boy Boca, Kiram Dimaawanan, Matas Guro, Sammy Noces at Jonathan Bastasas habang inaresto rin ang magsasakang si Bayani M. Gatdula, 54 years old dahil sa grave threats. Sa Libungan tiklo rin si Rolando Bondoc, 29 years dahill illegal drugs, at sina Reymark Tano Escolar, 23 years old, slaughter boy na residente mg Brgy. Baguer, Libungan,at Franky Francisco Tano, 20 years old dahil sa kasong Rape. Sa Midsayap kalaboso rin sina Vernon Angulo sa kasong Robbery, Art John Detoperez sa paglabag sa RA 9165 at Art John Detoperez sa kasong illegal gambling. Sa Aleosan timbog si Edwin Mosquera Paldas, 26, years old, habal-habal driver residente ng Brgy. New Leon, Aleosan dahil sa kasong Rape. Arestado naman sa Carmen si Dennis Samillano, 33 years old, married, vendor at residente ng Brgy. Katayanan, Carmen dahil sa kasong Acts of Lasciviousness. Patay naman sa Kabacan si Ronnie Macaalay Acoy na sinasabing drug personality matapos manlaban sa mga otoridad, nakumpiskahan ang suspek ng 38 caliber revolber , holen gun at shabu paraphernalias , at si Datu Manong Sambuto Macaalay na patay di sa hiwalay na operasyon na nakumpiskahan din ng 38 revolver at 9mm. Sa Matalam arestado si Benjamin Egos Lamaclamac, 60 years old dahil sa kasong Attempted Murder and Frustrated Homicide at Manuel Barbosa Trongko sa kasong Serious Physical injuries. Sa Tulunan kalaboso din sina Roberto Rafael alias “Padong” sa kasong Murder , Zaldy Pagtanan sa kasong Rape, Jerry Castillon at Johnrey Castillon sa kaso paglabag sa RA 9165 na nakumpiskahan pa ng granada at baril, habang patay naman sa operasyon si John Ryn Lapastura matapos di umanong manlaban, nakumpiskahan ang suspek ng shabu , granada at baril, Patay rin sa hiwalay na opearsyon si Angelito Cabalfin na nakumpiskahan ng Shabu, granada at baril. Sa Mlang arestado rin dahil sa Shabu sina Lonie Cano Galvan, Rey Baylon at timbog rin si Carlito Gonzales sa kasong serious physical injuries. Sa Arakan kalaboso rin si Loleng Mansagay Tulayag, 40 years old, dahil sa illegal gambling Sa President Roxas timbog din sina Ranel Neri Pales, 39 years old dahil sa Reckless Imprudence resulting to serious physical injuries. Arestado rin si Rolando Suplaag Nicor alias “Pato”, a resident of Purok 2, Brgy Greenhills na nakumpiskahan ng dried marijuana at 38 revolver habang nakatakas naman ang isang target na si Benjie Nicor ngunit nakumpiska sa kanyang pamamahay ang dried marijuan, shabu at mga baril. Sa Antipas huli din sina Arvin Solis dahil sa paglabag sa RA 9165 at Jimmy Castillo sa kasong RA 9262. Sa Magpet arestado rin sina Rogelio Umbaoy Bayaan, 59 years old at Josie Banlasan Parayanan, Bumagsak rin sa kamay ng Kidapawan PNP sina Quiney Glen Villanueva Adlaon at Maribeth Montejo Parba alias “Yakyak”, 41 years old dahil sa Shabu at Kirk Arnold Damali sa kasong paglabag sa Reckless Imprudence resulting to homicide, slight physical injuries and damage to property. At sa bayan ng Makilala timbog rin Marven Chatto Tigao , Marcos Tonie Fernandez Sherwin Grabe dahil sa Shabu. Patuloy naman sa paghimok ang PNP sa publiko na makiisa sa kanilang kampanya.

Facebook Comments