Ikinabahala ng Department of Health (DOH) ang patuloy na pagtaas ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa bansa.
Nakakapagtala na kasi ng 38 bagong kaso ng HIV bawat araw.
Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo – mataas ito kumpara sa 32 kaso noong 2018, 16 na kaso noong 2014, pitong kaso noong 2011 at dalawang kaso noong 2009.
Aniya, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo na may mataas na naitatalang bagong kaso ng HIV.
Karamihan sa mga kaso ay may edad 15 hanggang 24-anyos at ang dahilan ay ang hindi ligtas na pakikipagtalik.
Sa datos ng epidemiology bureau, aabot na sa 64,291 HIV cases ang naitala sa bansa mula pa noong 1984.
1,013 kaso rito ay narekord hanggang nitong Pebrero kung saan nasa 59 na ang nasawi.
Facebook Comments