38 Katao, Arestado dahil sa Raffle Draw

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga alagad ng batas ang 38 na katao na kinabibilangan ng tatlong (3) namamahala sa isang pribadong kumpanya sa Brgy. Capissayan Norte, Gattaran, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, tatlo sa 38 ay may mataas na katungkulan sa isang branch ng pribadong kumpanya sa bayan ng Gattaran habang ang iba pa ay pawang mga housekeeper at magsasaka.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, isang concerned citizen ang tumawag sa kanilang himpilan na sinasabing may nagsasagsawa ng raffle draw sa Brgy. Capissayan Norte na agad namang bineripika ng kapulisan.


Nakumpirma ng mga rumespondeng pulis ang sumbong ng isang mamamayan na isinasagawa sa bahay ni Restine Pajares na nagdiriwang umano ng kanyang birthday.

Isinabay umano ang raffle draw sa kanyang kaarawan para sa lahat ng mga dealer ng kanilang kumpanya kung saan nasa halagang Php30.00 ang bili sa bawat isang ticket.

Nang hingan ng permit mula sa DTI at sa iba pang ahensya ang raffle tickets ng mga suspek ay wala silang maipakita na dahilan ng kanilang tuluyang pagkakaaresto bukod sa kanilang paglabag sa social/physical distancing.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang mahigit kumulang 600 na ticket at isang (1) lottery drum o tambiolo.

Dinala ang mga suspek at mga nakumpiskang item sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments