Bilang tugon sa naging epekto ng nagdaang bagyo sa mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan, nagpaabot ng tulong ang Philippine Crop Insurance Corporation at Department of Agriculture.
38 magsasaka mula sa bayan ng Mangaldan ang tumanggap ng 164,000 dahil ang kanilang mga pananim ay insured sa PCIC.
Hindi lamang ang mga magsasakang nagtatanim ng palay ang maaaring maging insured ang kanilang tanim maging ang mga magsasakang nagtatanim ng high value crops upang matulungan ang mga magsasakang apektado ng mga natural calamities.
Matatandaan na noong buwan ng Agosto isa ang bayan sa naapektuhan ni Super Typhoon Karding at Bagyong Paeng noong Oktubre na nagpadapa sa ilang palayan sa bayan. | ifmnews
Facebook Comments