SIYAM NA PAMILYA SA ALAMINOS CITY, NABIGYAN NG BAGONG BAHAY

Nabigyan ng bagong bahay ang siyam na pamilya sa Alaminos City.
Ito ay sa ilalim ng pamahalaang lungsod na Core Shelter Assistance Program (CSAP) katuwang ang DSWD.
Ang kanilang tahanan ay nasa CSAP Lucap Village, na sinaksihan mismo ng mga lider ng lungsod.

Sa kabuuan nasa 250 pamilya na ang nabigyan sa ilalim ng naturang programa kasama ang CSAP Longos, Pangapisan at CSAP Victoria.
Isa umano ito sa katuparan para sa mga taga Alaminos na magkaroon ng disente, malinis at matatag na tahanan. | ifmnews
Facebook Comments