Mula sa nasabing bilang ng mga nagbalik-loob, ang 27 na CTG supporters ay mula sa Barangay Alucao habang ang 11 ay galing naman sa barangay Aridowen sa naturang bayan.
Ang mga naturang sumuko ay nagsisilbing taga dala at hatid ng mga pagkain at gamit ng mga makakaliwang grupo.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Captain Rigor Pamittan, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5ID, Philippine Army, pinili ng mga sumukong NPA supporters na putulin ang kanilang suporta sa rebeldeng grupo dahil sa ginagawang pangha-harass at panggigipit sa kanila.
Nagsilbi rin dahilan ng kanilang boluntaryong pagsuko sa gobyerno ang nangyaring bakbakan sa pagitan ng militar at rebelde sa bayan ng Sta Teresita noong Setyembre 2021 na nagresulta sa pagkakasawi ng ilang NPA.
Naging rason din ng kanilang pagsuko ang pagkakakumpiska ng mga armas ng NPA at engkwentro nitong Enero 29 ngayong taon sa Brgy. Sta Clara, Gonzaga.
Samantala, sinabi ng hepe ng DPAO na patuloy pa rin ang hot pursuit operation ng mga sundalo sa lugar upang matunton ang kinaroroonan ng mga tumakas na nakalabang rebelde sa Gonzaga.