Retirement ceremony, inihandog ng COMELEC sa 3 nagretirong commissioners

Naghandog ang Commission on Election (COMELEC) ng retirement ceremony para sa 3 nagretirong commissioners.

Partikular sina Comelec Chairman Sheriff Abas, Commissioners Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr.

Kabilang sa mga nagbigay ng tribute speech si Commissioner Aimee Ferolino na unang binatikos ni Guanzon dahil daw sa pag-aantala nito sa paglalabas ng desisyon sa disqualification case laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos.


Sa kanyang talumpati, sinabi ni Commissioner Ferolino na marami pang magagawa sina Abas, Guanzon at Kho, at labis siyang nagpapasalamat sa mga natutunan niya sa mga ito.

Sinabi pa ni Ferolino na umaasa siyang hindi magtatapos sa kanilang pagkakaibigan ang pagreretiro ng tatlong commissioners

Kapansin-pansin naman na hindi pumalakpak si Guanzon pagkatapos ng speech ni Commissioner Ferolino.

Facebook Comments