CAUAYAN CITY – Isang matagumpay na outreach program ang isinagawa sa Barangay Caragasan, Alfonso Lista, Ifugao, kung saan 38 Person with Disabilities (PWDs) ang naging benepisyaryo ng aktibidad.
Pinangunahan ito ng Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development (MAGPTD), kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Municipal Social Welfare and Development (MSWD), at Alfonso Lista Ministers Association.
Ang mga benepisyaryo ay tumanggap ng grocery items at meryenda packs bilang bahagi ng programa.
Bukod dito, ang Alfonso Lista Municipal Police Station ay nagdaos din ng mga makabuluhang aktibidad tulad ng Information Education Campaign na nagbigay kaalaman tungkol sa Crime prevention tips, road safety tips, oplan iwas paputok, feeding program at libreng gupit.