Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng 387 na mga panibagong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, Enero 21, 2022, tumaas pa sa 2,568 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya matapos madagdagan ng 387 na bagong kaso.
Nakapagtala rin ang probinsya sa loob ng isang araw ng 278 na bagong gumaling at anim (6) na nasawi.
Dahil sa mga naitalang bagong recoveries, tumaas ang kabuuang bilang nito sa 59,638 habang sumirit din sa 2,124 ang naitalang total COVID-19 related deaths ng Isabela.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 64,330 ang total cumulative COVID-19 cases sa Isabela kung saan nangunguna pa rin ang Lungsod ng Santiago sa may pinakamaraming aktibong kaso sa Lalawigan na may 608 na bilang.
Facebook Comments