Baguio, Philippines – Nasa 387 na ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) na inatasan ng syudad para makontrol ang bilang ng dumadaming kaso ng Covid-19 sa lungsod kahit ito ay halos sumobra sa minimum health system capacity ng Department of Health (DOH) kung saan sa kanilang Administrative Order No. 2020-0016, nakasaad na magkakaroon lamang ng isang BHERT kada 1,000 residente ng local government units.
Sa isang datos na ipinakita ni Department of Interior and Local Government (DILG) Baguio Field Office City Director, Evelyn Trinidad, na ang syudad ay nangangailangan ng 370 BHERTS para makapasok sa DOH standards kung saan dagdag 15 na barangay ang kailangang magsagawa ng kanilang grupo para maserbisyuhan ang kanilang lugar.
Nakatala din sa datos ang may pinakamarami o matao sa isang barangay kung saan nangunguna ang Barangay Irisan na may 34 BHERTs, pumapangalawa ang Asin Road na may 14, Camp 7 na may 13 at Loakan Proper na mayroong 11 BHERTs.
Samantala, matatandaan mayroon lamang 129-barangays ang may isang BHERT kada barangay bago ipinatupad ang Administrative Order.
Ang BHERT ay binubuo ng mga physicians, nurses, midwives, sanitary inspectors, population officers, Bureau of Fire Protection staff, City Disaster Risk Reduction and Management Office staff o mga volunteers.
PHOTO BY: Karren Nobres