Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng maraming bagong kaso ng COVID-19 ang Region 2.
Sa bagong tala ng Department of Health Region (DOH) Region 2, tatlumpu’t siyam (39) ang bagong naiulat na kaso ng COVID-19 sa rehiyon na naitala sa lalawigan ng Cagayan, Isabela, at Santiago City.
Sa probinsya ng Cagayan ay nakapagtala ng dalawamput tatlo (23) na new confirmed cases, labing apat sa Isabela at dalawa (2) sa Lungsod ng Santiago.
Pero, nakapagtala naman ng mataas na bilang ng mga gumaling na sakit kung saan anim (6) ang nakarekober mula sa Cagayan, siyam (9) sa Isabela, isa (1) sa Santiago City at labing pito (17) sa Nueva Vizcaya.
Batay naman sa breakdown ng total cases ng COVID-19 sa bawat probinsya, mayroon ng kabuuang bilang na 492 ang Cagayan, 730 sa Isabela, 93 sa Santiago City, 574 sa Nueva Vizcaya, 5 sa Quirino at 2 sa Batanes.
Sa ngayon, pumalo na sa 1,896 ang total confirmed cases ng COVID-19 ng Region 2.