39 patay sa pag inom ng pekeng alak sa India

India – Patay ang 39 katao sa pag-inom ng mura at pekeng alak sa Northern India.

Bukod dito, 27 iba pa ang nagkasakit.

May taglay umanong toxic methanol ang alak dahilan ng kanilang pagkamatay.


Arestado naman ang walong kataong pinaghihinalaang nasa likod ng pagkakalason ng mga biktima habang 35 opisyal ng gobyerno ang sinuspinde kabilang na rito ang 12 mga pulis.

Facebook Comments