Desisyon sa planong Pacquiao-Mayweather rematch, malalaman na sa February 24

368

Manila, Philippines – Planong mag-rematch muli ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao at ni American Boxer Floyd Mayweather Jr. sa boxing ring.

Ayon kay Ilocos Sur Gov. Chavit Singson – nag-uusap na umano ang dalawa sa muling paghaharap nila.

Sa Pebrero 24 iaanunsyo kung matututloy ba o hindi ang rematch ng dalawa na matagal nang inaabangan ng kanilang mga tagahanga.

Samantalakm tila gustong sumunod sa yapak ni Sen. Pacquiao sa pagboboxing ang panganay niyang anak na si Emmanuel Pacquiao Jr. o mas kilala bilang si Jimuel.

Sa video na ipi-nost sa social media, ipinatumba ni Jimuel ang kalaban nito sa isang boxing match.

Ayon naman sa Pambansang Kamao, hindi niya raw pipigilan ang kanyang anak na maging isa ring boksingero.

Facebook Comments