39 hanggang 41 degrees Celsius na heat index, mararanasan sa Metro Manila sa susunod na mga araw ayon sa PAGASA

Posibleng umabot ng mula 39 hanggang 41 degrees Celsius ang heat index sa Metro Manila sa susunod na tatlo hanggang apat na araw.

Dahil ito sa tinatawag na easterlies o maalinsangang panahon at mainit na hangin na mula sa Pacific Ocean.

Pinapayuhan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko na uminom ng maraming tubig at iwasang magbilad sa araw.


Noong nakaraang linggo ay naitala ang 53 degrees Celsius na heat index na naranasan sa Dagupan City, Pangasinan na pinakamainit ngayong 2021.

Facebook Comments