390 pasahero stranded pa rin sa Araneta bus terminal

Nasa 390 na pasahero sa Araneta Bus terminal ang nanatiling stranded dahil ang mga Ro-Ro na magtatawid sa dagat ng mga pampasaherong bus ay tigil pa rin ang operasyon dulot ng sama ng panahon.

Ito ay mula sa 5,115 na pasahero na dumating na sa Araneta Center Bus Station para humabol sa selebrasyon ng Bagong Taon sa mga lalawigan nila sa Visayas at Mindanao.

Karamihan sa mga stranded ay galing pa ng lalawigan ng Bulacan, Laguna at Cavite.


Karamihan sa mga pasahero ay limitado ang dalang pera.

Sa halip na magastusan pa kung babalik sa kanilang mga pinanggalingang lugar, karamihan ay nagtitiyaga na manatili kahit tatlong araw sa terminal.

Karamihan sa kanila ay wala pang ligo at nanghihina na dahil walang maayos na tulog.

Halos karamihan na nagpasyang umuwi na ay nakakuha na ng refund at ang mga determinadong humabol sa New Year’s celebration ay nagpa-rebook ng kanilang mga ticket.

Facebook Comments