Coffee shop ng isang Hotel sa Cauayan City, Isabela, Nasunog!

268

*Cauayan City, Isabela- *Umaabot sa mahigit isangdaang libong piso ang halaga ng mga napinsalang appliances makaraang masunog ang Coffee shop ng isang hotel sa Brgy. Cabaruan Cauayan City.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay SFO1 Eliseo Cabasal ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cauayan City, mayroon aniyang nakaligtaang nakasaksak na isang bluetooth speaker na nakapatong sa unan sa Coffee shop ng Golden VJ Drive in Hotel.


Posible aniya na nag-overheat ang nakasaksak na speaker na sanhi ng sunog.

Wala namang naitalang nasaktan o nasugatan sa nangyaring sunog matapos maapula ang sunog ng mga rumespondeng kasapi ng BFP Cauayan City.

Pinaalalahanan naman nito ang lahat na laging mag-ingat at suriing mabuti ang mga ginagamit at isinasaksak na gadgets upang makaiwas sa anumang hindi inaasahang insidente.

Samantala, nakahanda na ang kanilang pamunuan para sa pagbabantay at pagpapanatili sa kaayusan at kapayaan ng Lungsod ng Cauayan para sa pagsalubong sa bagong taon.



Facebook Comments