Tuluy-tuloy ang ginagawang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong para sa ating mga kababayang naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Bulusan.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni DSWD Spokesperson Director Irene Dumlao na nitong June 8, nakapamahagi na ang kanilang Field Office 5 ng ₱390,000 halaga ng ayuda sa mga bayan na lubos na apektado kasama na dito ang Juban, Casiguran, Irosin, Sorsogon.
Kinabibilangan aniya ito ng family food packs at hygiene kits na ibinigay sa mga pamilyang nananatili pa rin sa mga evacuation centers.
Sa ngayon ani Dumlao, tuloy ang ugnayan nila sa kanilang social welfare officers upang mabatid kung ano pa ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan sa Sorsogon upang agad naman nila maipadala.