Problema sa sistema, isa sa mga natalakay nina DOJ Sec. Menardo Guevarra at incoming Justice Sec. Boying Remulla

57

Kinumpirma ni incoming Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla na ang problema sa sistema ang isa sa mga napag-usapan nila kanina sa pagpupulong nila ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa Department of Justice (DOJ).

Ipinaliwanag ni Remulla na hindi kasi madaling hawakan ang 11 ahensya na nasa ilalim ng DOJ.

Hindi naman tinukoy ni Remulla kung anong mga problema sa DOJ ang kanyang kakaharapin.


Sa kabila nito, inihayag ni Remulla na naging informative naman aniya ang pagpupulong nila ni Guevarra.

Ayon kay Remulla, hihingi pa siya ng isa pang meeting kay Guevarra.

Inihayag din nito na malaking work in progress ang kanyang itutuloy oras na maupo sa DOJ.



Idinagdag ni Remulla na sa ngayon ay wala pa siyang napipiling undersecretaries at assistant secretaries na makatutuwang sa pamumuno sa DOJ.

Facebook Comments