DFA, ikinalugod ang ceasefire agreement sa pagitan ng Israel at Hamas

Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ceasefire agreement sa pagitan ng Israel at Hamas.

Ito ay lalo na’t kaakibat nito ang pagpapalaya sa mga bihag sa Gaza.

Kaugnay nito, nanawagan ang Pilipinas sa dalawang panig na tumalima sa kanilang mga obligasyon sa ilalim ng International Law.

Partikular ang pagprotekta sa mga sibilyan lalo na sa mga bata at kababaihan.

Gayundin ang pagpasok ng humanitarian assistance sa mga nangangailangan.

Naninindigan din ang Pilipinas sa hangarin na makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa hanay ng mga sibilyang Palestinian at Israeli.

Facebook Comments