Libreng bakuna kontra cervical cancer para sa mga edad 5 hanggang 9, ilalarga ng DOH ngayong taon

Ilulunsad ng Department of Health (DOH) ang libreng bakuna sa mga batang babae na limang taon hanggang siyam na taong gulang laban sa cervical cancer.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na inihirit niya ang pondo para rito at ibinigay naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Herbosa, layon nitong mapangalagaan ang mga batang babae at maiwasang magkasakit sa cervix o sa tawag na sipit-sipitan.


Nasa apat na libong piso ang bawat turok ng bakuna laban sa cervical cancer.

Dalawang turok aniya ang kailangan kaya lalabas na P8,000 rin ang kabuuang budget sa bawat batang babaeng Pilipino limang taon hanggang siyam na taong gulang.

Oras na makumpleto ang pagbabakuna sa mga batang saklaw ng nasabing mga edad, mawawala na ang cervical cancer sa bansa.

Facebook Comments