3K NA PULIS SA PANGASINAN, NAKATALAGA SA BAWAT SIMBAHAN SA PAGBABALIK NG MISA DE GALLO NGAYONG ARAW AT SA PAGDIRIWANG NGAYONG HOLIDAY SEASON

Patuloy ang pagkakaroon ng police visibility sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan kung saan naka-full alert status ang tropa ng kapulisan ngayong panahon na Holiday Season ngayong taon.
Ito ay bahagi ng pagbabantay at mithiin ng kapulisan at mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng kapayapaan sa paligid at upang ipatupad ang seguridad sa bawat simbahang katoliko dahil sa muling pagbabalik ng misa de gallo o simbang gabi ngayong araw ng Biyernes, ika-16 ng Disyembre.
Sa datos ng PNP, tinatayang nasa mahigit tatlong tropa ng kapulisan ang naka-deploy at upang magbantay sa kapaskuhan at sa paparating na bagong taon lalo na’t maraming mga kabataan at residente ngayon ang nakalabas sa kani-kanilang mga tahanan.
Samantala, ayon naman sa isang panayam, sinabi ng tagapag-salita ng Pangasinan Police Provincial Office PMaj. Ria Tacderan, na kanselado umano ang mga leaves ng bawat miyembro ng PNP at ang kanilang mga lakad na malalayo ay hindi papayagan para sa maximum deployment sa iba’t ibang lugar.
Samantala, naka-alerto naman umano ang lahat ng PNP personnel sa kada simbahan para magbigay ng seguridad at kapayapaan sa paligid ng simbahan at upang bantayan ang lahat ng mga debotong makikimisa ngayong araw at hanggang sa pagsalubong sa bagong taon. | ifmnews
Facebook Comments