150 NA BATANG ATLETA SA PANGASINAN, SASABAK SA PHILIPPINE YOUTH GAMES BATANG PINOY NATIONAL CHAMPIONSHIP 2022 SA VIGAN CITY

Nakatakdang lumaban ang mahigit isang daang batang Pangasinense para lumahok sa Philippine Youth Games Batang Pinoy National Championship 2022 sa Vigan City, Ilocos Sur.
Ang nasabing palaro ay nag-umpisa na ngayong araw ng Biyernes ika-16 ng Disyembre at magtatagal ng hanggang ika-22 ng buwan ngayong taon.
Hinimok naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang mga Pangasinense na suportahan at ipagdasal ang mga atletang sasabak sa patimpalak upan makapag-bigay ng parangal sa lalawigan.

Samantala, itinalaga ang Lungsod ng Vigan, sa Ilocos Sur bilang host ng palaro kung saan ang mga kalahok dito ay ang mga batang atleta na mula sa iba’t ibang probinsya sa bansa. |ifmnews
Facebook Comments