Kaso ng COVID-19 sa pitong lugar sa Visayas, bahagyang bumaba

Nakitaan ng OCTA Research Team ng downward trend ng COVID-19 cases ang ilang highly-urbanized cities (HUCs) sa Visayas.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, naobserbahan ang downward trend sa Bacolod, Cebu City, Iloilo City, Lapu-Lapu, Mandaue, Ormoc, at Tacloban.

Sa kabila nito, sinabi ni David na nananatili pa ring ‘very high risk’ ang Visayas sa COVID-19 kahit pa bumababa na ang bilang ng kaso sa ilang lugar.


Aniya, nasa 64.06 percent ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa Iloilo City; 40.32 percent sa Cebu City; 27.26 percent sa Bacolod at 29.99 percent sa Mandaue.

Habang ang ADAR sa Lapu-Lapu ay nasa 39.83%; Ormoc na nasa 9.12% at Tacloban na nasa 15.62%.

Ang positivity rate sa Iloilo ay nasa 35%; Cebu City na may 26%; Bacolod na may 42%; at Mandaue na may 29%.

Facebook Comments