Dating sundalo huli sa buy-bust operation sa Camarines Sur

Huli ang isang dating miyembro ng Philippine Army (PA) at ngayo’y barangay tanod sa ikinasang buy-bust operation sa Del Gallego, Camarines Sur.

Kinilala ni PRO 5 Regional Director Police Brigadier General Jonnel Estomo ang suspek na si Homer Suarilla alyas Waming na kabilang sa drug watchlist.

Naaresto si Suarilla matapos na makipag-transaksyon sa pulis na nag-undercover kapalit ng ₱100,000.


Nakumpiska ng pulisya sa suspek ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may market value na ₱500,000.

Agad na dinala sa Del Gallego Municipal Police Station ang suspek at ngayon ay nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments