Pumalo na sa higit 3 milyong residente ng Ilocos Region ang fully vaccinated laban sa COVID19.
Sa datos ng DOH-CHD1, as of January 20, 2022, mayroon ng 3, 12, 235 o 56.3% ng eligible population ang fully vaccinated.
3, 431, 092 o 64.1% ang nabigyan ng unang dose at 234, 926 ang naturukan ng booster dose.
Nangunguna sa may pinakamaraming nabakunahan sa kanilang target population ay ang probinsiya ng Ilocos Sur na 66. 33% o 480, 487.
Sinusundan ito ng Ilocos Norte na mayroong 404, 759 o 65. 28%.
Ang Dagupan City ay mayroon ng 106, 881 o 58. 27% na residente nito ang bakunado.
Nakapagtala din ng 55. 68% o 468,889 na indibidwal ang fully vaccinated at ang Pangasinan na nakapagbakuna na ng 1, 551, 219 o 52% ng kaniyang eligible population. | ifmnews
Facebook Comments