*Cauayan City, Isabela- *Magkakaroon muli ng Business Forum ang Cacao Region 2 Council para sa pangatlong pagkakataon na gaganapin nitong ika-labing anim ng Agosto sa DA Southern Cagayan, Iguig, Cagayan.
Ito ang kinumpirma ni Ms. Ragel Tacazon, ang Trade and Industry Development Specialist ng DTI Regional Office kung saan inaasahan na dadaluhan ito ng nasa tatlong daang Cacao Stakeholders mula sa Ibat-ibang probinsya.
Isa umano sa prayoridad ng ating rehiyon ang Industriya ng Cacao kung saan Malaki umano ang potensyal nito lalo na sa paggawa ng tsokolate na nagiging kabuhayan ng ilang mga mamamayan dito sa rehiyon.
Target rin umano nila na magkaroon ng nasa dalawang libong metric tons ng produksyon ng Cacao upang mapanatili ang supply nito.
Ayon pa kay Ms. Tacazon, Layunin umano ng isasagawang forum na mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga magsasaka ng Cacao maging ang mga nais magtanim ng Cacao at upang maturuan na rin ang mga ito sa mga makabagong paraan upang maparami ang produksyon ng Cacao dito sa rehiyon.