Ikinasa ngayong araw ng lokal na pamahalaan ng Caloocan at kanilang Public Employment Service Office (PESO) ang ikatlong mega job ng lungsod katuwang ang DZXL 558.
Nagsimula ito kaninang alas-10:15 ng umaga at matatapos mamayang alas-4:00 ng hapon dito sa Sport Complex, Bagumbong, Caloocan.
Ayon kay Caloocan City PESO OIC Beng Gonzales, 900 hanggang 1,000 aplikante ang inaasahan nilang pupunta sa job fair.
53 local at 2 overseas employers naman ang kanilang inimbitahan at may alok na libo libong trabaho.
Samantala, may one stop shop din, gaya ng PAGIBIG, Philhealth, BIR, SSS at iba pang tanggapan ng pamahalaan para makatulong sa pre employment requirements ng job seekers.
Paalala naman ng PESO Caloocan na huwag kalimutan magdala ng higit sa 10 kopya ng resume, sariling ballpen at ibang dokumento para sa pag-aapply.
Samantala ang DZXL 558 ay naghahanap naman ng Digital Media Assistant, PA/Writer at Roving Driver.
Kasama mo sa lungsod ng Caloocan, Radyoman Lou Panganiban, DZXL 558, Tatak RMN