Antas ng pagtaas ng pangunahing bilihin at serbisyo, bumilis nitong September 2023

Inanunsyo ng Philippine Statistic Authority (PSA), na bumilis ang antas ng pangunahing bilihin at serbisyo noong September 2023.

Ayon kay USec. Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General ng PSA, naitala sa 6.1% ang inflation rate noong September 2023.

Paliwanag ni Mapa, mas mabilis ito kumpara sa 5.3% inflation rate noong August 2023.


Kabilang aniya sa mga pangunahing dahilan ng pagbilis ng inflation noong September 2023 ay ang food and non-alcoholic beverages gaya na lamang ng mabilis ng presyo ng bigas at karne ng baboy.

Maliban dito, nakaambag din sa mabilis na inflation rate ay ang transport gaya ng mataas na presyo ng gasolina at diesel.

Facebook Comments