Manila, Philippines – Pinababawi ng grupong Infrawatch Philippines sa National Telecommunication Commission o NTC ang sa pagpili nito sa Mislatel Consortium bilang third telco sa bansa.
Giit ni Infrawatch Philippines Convenor Atty. Terry Ridon, otomatikong nawalan ng bisa ang prangkisa ng Mislatel noong 2003 kaya hindi ito magagamit ng Consortium para sa telco operation nito.
Nawalan aniya ng bisa ang prangkisa ng Mislatel dahil may requirements ito na hindi nasunod tulad ng hindi pagsali sa stock market sa loob ng limang taon mula ng makuha nila ang kanilang congressional franchise noong 1998.
Giit ni Ridon, dapat ideklara ng NTC na disqualified ang Mislatel dahil sa gross misinterpretation nang ipalabas ng kasapi nito na may balido itong prangkisa.