3RD TELCO | PRRD walang kinalaman sa pagpapanalo kay Dennis Uy

Manila, Philippines – Naniniwala si dating Governor Ilocos Sur Chavit Singson na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapanalo ni Dennis Uy sa pagpasok ng bagong telco sa kabila ng sumuporta sa kanyang kandidatura ang nanalong bidders.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay isinisi ni Singson sa NTC ang problema hindi umano ginagampanan nito ang kanilang trabaho dahil kung ginagampanan lang sana nito ang kanilang trabaho wala sanang mangyayaring sigalot.

Paliwanag ni Singson na ang kanyang punto lamang ay talagang hindi nagtrabaho ang NTC at hindi pinakinggan ang kanilang mga argumento.


Giit ni Singson magsasampa sila ng kaso sa Ombudsman laban sa NTC dahil hindi ginagampanan ng mga opisyal ng naturang ahensiya ng gobyerno ang kanilang mga trabaho at ayaw ni Pangulong Duterte na anumang uri ng korapsyon at anumalya sa gobyerno.

Umaasa ang dating gobyerno na kakatigan ng Korte ang kanilang mga reklamo laban sa NTC dahil maliwanag umanong labag sa kanilang umiiral na rule ang kanilang mga ginagawang hakbang.

Facebook Comments