Insentibo para sa mga Atleta ng Baguio!

Baguio City, Philippines – Napagkasunduan ng City Sports Development Committee na gamitin ang ilang bahagi ng perang napanalunan ng Local Government sa dalawang National Sports Competition para dagdagan ang incentives ng mga atleta at coaches na nag represent ng Baguio City ngayong taon.

Ayon kay Mayor Mauricio Domogan ang Chairman ng Komite ay aabot sa mahigit 2 Million Pesos ang idadagdag sa incentives ng mga nanalong atleta sa Philippine National Games (PNG) na ginanap sa Cebu at sa 2018 Batang Pinoy Championship dito sa Baguio City.

Dagdag pa niya ay ito raw ay para ma-engganyo pa lalo ang mga atleta na magsanay at maglaro sa kani-kanilang mga sports at patuloy na magbigay ng karangalan sa Baguio City .


Facebook Comments