3RD TELECOM PLAYER | DICT, aminadong wala pang kumpanyang nakakapagpasa ng kanilang bid

Manila, Philippines – Tatanggap ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng bid mula sa mga kumpanyang nais maging ikatlong telecom player sa bansa.

Ayon kay DICT OIC Eliseo Rio – kapag nailabas na ang mga panuntunan sa bidding process, maari nang magpasa ang mga kumpaya ng kanilang bid.

Pero aminado si Rio na wala pang kumpanya ang nagsusumite ng kanilang bid at hindi pa natatapos ang Terms Of Reference (TOR) para sa selection process.


Tiniyak naman ng DICT na makakapili ng ikatlong telco sa katapusan ng Hunyo.

Inaasahang ilalabas naman ang TOR ngayong buwan.

Facebook Comments