Ipinagmamalaki ngayon ng Valenzuela City government ang pagbubukas ng Sentro ng Sama-samang Serbisyo o 3S Center nito sa Canumay East, The City Hall Annex.
Dalawang palapag ang gusali at sa loob nito ay may iba’t-ibang tanggapan na makapagbibigay ng serbisyo sa publiko.
Kinabibilangan ‘yan ng barangay health station, day care center, tanod outpost, barangay office, police community precinct, Sangguniang Kabataan office, Valenzuela Anti-Drug Abuse Council o VADAC, at Lupon Tagapamayapa.
May mga silid para sa senior citizen, may mga kapansanan na may mga katanungan o inquiries at mayroon ding multi-purpose hall.
Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, ang inagurasyon ng 3S Center ay kaakibat sa selebrasyon ng 22nd Charter Day ng Valenzuela City.
Sabi ni Mayor Rex, layunin nito na mailapit sa mga komunidad ang serbisyo ng lokal na pamahalaan.
Dagdag pa ni Gatchalian, magagamit din ang 3S Center sa panahon ng kalamidad at iba pang sakuna.