4.3 million na mahihirap na Pilipino, hindi nakatanggap ng ayuda dahil kay Sen. Imee Marcos

Isiniwalat ni House Appropriations Committee Vice Chairperson at Ako Bicol Party-list Rep. Raul Angelo Bongalon na 4.3 million na mahihirap na Pilipino o halos 900,000 pamilya ang hindi umano nakatanggap ng ayuda mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps noong 2023.

Ayon kay Bongalon, ito ay dahil inilipat umano ni Senator Imee Marcos ang P13 billion na pondo nito sa ibang social amelioration program partikular ang Assistance to Individuals in Crisis Situation program.

Binanggit ni Bongalon na ang pondo ay ipinamigay umano ni Sen. Marcos sa ilang piling kaalyado gaya ni Vice President Sara Duterte.


Dagdag pa ng mambabatas, nagsimula siyang mag-usisa sa nangyari sa budget noong 2023 matapos makatanggap ng reklamo kaugnay sa 4Ps program.

Sabi ni Bongalon, ang naturang P13 billion budget realignment ay “tip of the iceberge” pa lamang dahil kinokompleto pa nila ang datos ukol sa narinig nilang iba pang ginawang paglilipat umano ng budget ni Sen. Marcos.

Facebook Comments