Philippine Embassy, nakipagpulong sa Sudan kaugnay ng sitwasyon ng mga Pinoy roon

Nakipagpulong na si Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago kay Ambassador Mohammed Abdalla Eltom, Chargé d’Affaires at acting Representative ng Sudan sa League of Arab States.

Ito ay para alamin ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Sudan sa harap ng kaguluhan doon.

Kabilang sa napag-usapan sa pulong ang hinggil sa kundisyon ng mga Pinoy na tumanggi munang magpalikas.


Ipinaliwanag din ni Eltom kay Ambassador Tago ang mga hakbang ng pamahalaan ng Sudan para mawakasan na ang kaguluhan sa kanilang bansa.

Ang Philippine Embassy sa Egypt ang siyang nakakasakop sa Sudan.

Facebook Comments