4.6 magnitude na lindol, yumanig sa Tarlac at Davao Occidental; pagyanig, naramdaman sa Metro Manila

Parehas na niyanig ng may kalakasang lindol ang Davao Occidental at lalawigan ng Tarlac.

Alas-8:29 kagabi nang yanigin ng 4.6 na magnitude na lakas na lindol ang Davao Occidental.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang pagyanig sa layong 200 kilometers timog-silangang bahagi ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.


May lalim itong 4 kilometers at tectonic ang pinagmulan nito.

Samantala, bandang alas-10:15 kagabi ay nakaranas din ng lindol na may lakas na magnitude 4.6 ang lalawigan ng Tarlac.

Ayon sa PHIVOLCS, natunton ang pagyanig sa timog-kanlurang bahagi ng Camiling, Tarlac.

May lalim itong 11 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang instrumental intensities sa:

Intensity IV – Villasis Town, Pangasinan

Intensity II – Quezon City at Cabanatuan City

Intensity I – San Jose City, Nueva Ecija

Wala namang naitalang pinsala at aftershocks ang nasabing dalawang pagyanig.

Facebook Comments