4-anyos na bata sa US, palihim na nag-maneho ng kotse para bumili ng candy

127
via Fox News

Kakaiba ang lakas ng loob ng isang 4-anyos na lalaki sa Minnesota, US na palihim na nag-maneho ng kotse ng kanyang lolo para umano maghanap ng candy.

Ayon sa mga ulat, napatakbo ng batang si Sebastian ang kotse sa layong isa’t kalahating milya sa kasagsagan ng rush hour.


Ginamit umano ni Sebastian ang waalker ng kanyang lolo para sungkitin sa pader ang susi ng sasakyan habang walang nakakakita sa kaniya.

Batay sa pahayag ng ilang saksi, nag-maneho ang bata nang halos 10 to 15 mph bago makarating sa gas station kung saan sinalubong siya ng mga pulis, na malaking pasasalamat naman ng pamilya.

Walang namang naiulat na nasaktan sa pagmamaneho ng bata bukod sa ilang mailboxes na nabangga nito at isang puno.

Nasirang bahagi ng sasakyan. (Pic courtesy of Fox News)

May natagpuan pang bahagi ng bumper sa bakuran ng kapitbahay.

Naging aral naman daw ito sa pamilya na gumawa na ng paraan para itago ang mga susi ng kotse at mas bantayan pa ang bata.

Facebook Comments

From Advertisers